Sen. Imee Marcos, sinabing dapat nang ipamigay ang COVID-19 vaccines

Photo credit: Sen. Imee Marcos/Facebook

Sa halip na masayang, dapat agaran nang ipamigay ng Department of Health (DOH) sa mga nangangailangang sektor ang mga nakaimbak lamang na COVID-19 vaccine.

Ayon pa kay Marcos, Moderna at Pfizer vaccines ang malapit nang mag-expire.

Punto nito, tumataas na naman ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 at marami pa ang nangangailangan ng bakuna.

“Huwag tayong maging kampante, namamayagpag pa rin ang pandemya. Protektahan natin ang ating kalusugan at ating mga kababayan, ibigay na ASAP ang mga booster shot, huwag nang bulukin sa DOH,” pagdidiin pa ni Marcos.

Ginawa ni Marcos ang panawagan matapos kumpirmahin ng DOH ang unang dalawnag kaso ng ‘Centaurus,’ na bagong subvariant ng Omicron variant.

Read more...