Jimmy Bondoc, nasunugan ng higit P1-M halaga ng music equipment

By Angellic Jordan August 03, 2022 - 05:11 PM
Photo credit: Jimmy Bondoc/Facebook

Nawalan ang singer na si Jimmy Bondoc ng mahigit P1 milyong halaga ng music equipment makaraang sumiklab ang sunog sa kaniyang studio.

Sa Facebook, ibinahagi ng singer ang mga larawan ng mga nasirang instrumento. Kabilang dito ang kaniyang mga gitara, piano, drums, cameras, computer, at iba pa.

Kahit nasunugan, sinabi ni Bondoc na nagpapasalamat pa rin siya dahil walang nasaktan sa insidente.

Sa isang video, sinabi ng singer na nagsimula ang sunog sa isang electric outlet.

Sa hiwalay na post, sinabi ni Bondoc na maraming mabuting tao dahil maraming gustong tumulong sa kaniya.

“Wag niyo sana isipin na nagpapaka “banal” ako. Pero yung gamit, kakayod na lang ako para mabawi,” saad nito sa post.

Dagdag ni Bondoc, “May I earnestly ask instead na mag-donate po kayo sa dalawang kaibigan ko.”

Isa aniya sa kaniyang mga kaibigan ang comatose at may medical debt na P1 milyon, habang isa pa niyang kaibigan ay mayroong cancer at nahihirapan sa gagamiting pondo para sa medical treatment.

“This is my sincerest request, hoping it is received by open, non-judgmental ears and hearts. Masakit po mawalan ng gamit, I do not deny it. Please help me to help others who stand to lose much more,” ani Bondoc.

Nakilala si Bondoc sa kaniyang mga awiting “Let Me Be The One,” “I Believe,” “Hanggang Dito Na Lang,” at iba pa.

TAGS: InquirerNews, JimmyBondoc, RadyoInquirerNews, InquirerNews, JimmyBondoc, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]