Siwon ng Super Junior, hindi makakasama sa Manila concert matapos magpositibo sa COVID-19

By Angellic Jordan August 03, 2022 - 03:41 PM
Photo credit: @siwonchoi/Instagram

Hindi makakasama si Choi Siwon ng sikat na K-pop group na Super Junior sa kanilang concert sa Pilipinas.

Base sa opisyal na twitter account ng grupo, nagpositibo si Siwon sa COVID-19 habang naghahanda para sa overseas schedules.

Humingi naman ng pang-unawa ang grupo sa kanilang mga fans sa Maynila.

Pansamantala ring nahinto ang mga schedule ni Siwon dahil nakasailalim na ito sa self-quarantine.

Samantala, tiniyak naman ng concert producers na Pulp Live World na makakasama sa Manila concert ang members na sina Leeteuk, Yesung, Shindong, Eunhyuk, Donghae, Ryeowook, at Kyuhun.

Gaganapin ang Super Junior World Tour – Super Show 9:Road In Manila sa SM Mall of Asia Arena sa Sabado, Agosto 6.

TAGS: Choi Siwon, COVIDpositive, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Siwon, Siwon COVID, Super Junior Manila concert, SuperJunior, Choi Siwon, COVIDpositive, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Siwon, Siwon COVID, Super Junior Manila concert, SuperJunior

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]