Tumaas ang sulfur dioxide emission sa Bulkang Taal sa Batangas, Miyerkules ng umaga (Agosto 3).
Sa abiso bandang 2:00, Miyerkules ng hapon, sinabi ng Phivolcs na nakapagtala ng 12,125 tonnes kada araw ng volcanic sulfur dioxide emission mula sa Taal Main Crater nitong Miyerkules ng umaga.
Ito ang pinakamataas na naitalang SO2 gas emission sa Taal simula nang ibaba sa Alert Level 1 noong Hulyo 11.
“Airborne volcanic gas is expected to be drifted to the general northwest of Taal Volcano Island based on air parcel trajectory data from PAGASA,” pahayag ng ahensya.
Naobserbahan din ng Phivolcs ang pagtaas ng degassing sa Taal Main Crater sa nakalipas na tatlong araw, kung saan napapansin ang upwelling ng mainit na volcanic fuilds sa lawa at emission ng steam-rich plumes na may taas ng 2,400 metro sa Volcano Island.
Naobserbahan din ang pagtaas ng degassing sa Taal Main Crater sa nakalipas na tatlong araw, kung saan napapansin ang upwelling ng mainit na volcanic fuilds sa lawa at emission ng steam-rich plumes na may taas ng 2,400 metro sa Volcano Island.
🎥: @phivolcs_dost pic.twitter.com/Mb92yzgvSr
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) August 3, 2022
“Volcanic smog or vog was also observed yesterday and today over the western Taal Caldera and reported to have been heavy over the town proper of Laurel and Banyaga, Agoncillo, Batangas Province, where damage to vegetation were also documented by municipal officials,” saad ng ahensya.
Iniulat din ng mga residente ng Tagaytay City at Bugaan East, Laurel, Batangas ang sulfur stench.
Naitala ng ahensya ang siyam na low-frequency events, kabilang ang tremor na tumagal ng walo hanggang 12 minuto.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na nananatili sa Alert Level 1 ang naturang bulkan.
Inirekomenda naman nito na manatilihin ang pagbabawal ng pagpasok sa TVI, Permanent Danger Zone ng Taal, lalo na sa bisinidad ng Main Crater at Daang Kastila fissure.
Pinayuhan din ang mga lokal na pamahalaan na ipagpatuloy ang pag-assess sa mga inilakas na barangay sa paligid ng Taal Lake noon para sa posibleng pinsala at road accessibilities, at upang mapaigting ang preparedness, contingency, at communication measures.