PNoy nagpaalam na sa Philippine Navy

By Alvin Barcelona June 01, 2016 - 03:40 PM

Aquino navy
Inquirer file photo

Nagpasalamat at nagpaalam na si Pangulong Noynoy Aquino sa mga opisyal at mga miyembro ng Philippine Navy.

Ginawa ito ng pangulo sa 118th anniversary ng Philippine Navy sa Manila South Harbor kaninang umaga.

Ayon kay Aquino, mayroon na lamang siyang dalawampung araw bago bumaba sa puwesto kaya sinamantala niya ang pagkakataon para ipaalam na isang karangalan na magsilbi at pamunuan ang Armed Forces of the Philippines.

Sinabi ng Pangulo na halos anim na taon siyang nagsilbi bilang Ama ng Bayan  at hindi niya malilimutan ang panahong kung kailan tumindig ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas at nagpamalas ng di matatawarang serbisyo at malasakit sa kapwa at bayan.

Tiwala rin ang Commander-in-Chief na kung magtutuloy tuloy ang nasimulan niyang landas ay tiyak na gaganda pa ang serbisyo ng pamamahala sa bansa.

Kanina ay pormal na ring sumailalim sa commissioning ang pinaka-malaking barko ng Philippine Navy na BRP Tarlac at tatlong iba pang mga barko.

TAGS: Aquino, brp tarlac, commander in chief, philippine navy, Aquino, brp tarlac, commander in chief, philippine navy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.