Sa Mandaue City sa Cebu, anim na kontratista ng Globe, ang diumano’y naaktuhang kinukulimbat ang mga tansong kable sa kahabaan ng Manuel L. Quezon St. noong Hulyo 19 at may hiwalay na nahuli na isa pa sa naturang lungsod.
Sa Silay City sa Negros Occidental ay may tatlong nahuli, samantalang dalawa sa Bais City sa Negros Oriental at may isa naman sa Quezon City.
Ang pagkakahuli sa 13 ay kasunod nang pagsasampa ng mga kinauukulang kaso sa siyam na nahuli sa Tanza, Cavite at Quezon City.
Kasabay ito nang patuloy na pagpapalakas ng Globe sa kanilang mga hakbang na matuldukan ang pagnanakaw ng kanilang mga kable sa pamamagitan ng #BantayKable sa tulong ng pambansang pulisya at barangay.
Nabatid na may nasentensiyahan na rin ng isa hanggang apat na buwang pagkakakulong sa mga unang naaresto sa Quezon City at Cagayan de Oro City.
Sa unang kalahati ng taon, 281 indibiduwal, kasama pa rin ang ilang third-party contractors ang nakasuhan na ng pagnanakaw, qualified theft, robbery, paglabag sa Anti-Fencing Law, malicious mischief at paglabag sa Anti-Cable Television and Cable Interner Tapping Act of 2013.
“Patuloy na namumuhunan ng malaki ang Globe para i-upgrade at gawing modern ang network nito. Pero nahahadlangan ng mga ilegal na aktibidad ang pagsisikap namin na mabigyan ng mas mahusay na serbisyo ang mga mamamayang nangangailangan ng maayos na koneksyon para sa knailang pagta-trabaho, pag-aaral, paglilibang at komunikasyon,” sabi ni Atty. Froilan Castelo, ang Group General Counsel ng Globe.