WATCH: VP Sara Duterte, inilunsad ang OVP Libreng Sakay Program

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Inilunsad ni Vice President Sara Duterte ang Libreng Sakay Program gamit ang limang bus.

Personal na ininspeksyon ni Duterte ang dalawang bus sa Parañaque Integrated Terminal Exhange, Miyerkules ng umaga (Agosto 3).

Bibiyahe ang bus sa ruta ng EDSA Bus Carousel.

Ayon kay Duterte, tulong lamang ito ng Office of the Vice President (OVP) sa Libreng Sakay Program ng Department of Transportation (DOTr).

“We hope that through this program, we will be able to provide relief to some of our fellow Filipinos who rely on public transport for their daily commute to work, to school, and to many other places,” pahayag ni Duterte

Bukod sa Metro Manila, inilunsad din ni Duterte ang Libreng Sakay program sa Cebu, Bacolod at Davao City.

Sagot aniya ng OVP ang gastos sa libreng sakay gaya ng gasolina at maintenance.

“It will support the national government’s Libreng Sakay Program, and at the same time, it is hoped that this meager contribution will translate to daily savings for our public transport-riding kababayan,” pahayag ni Duterte.

Sinabi naman ni Reynold Munsayac, tagapagsalita ni Duterte, ipinahiram sa OVP ang limang bus ng kumpanyang Jac Liner.

Sagot na aniya ng Jac Liner ang pagpapasweldo sa mga drayber at konduktor.

Ayon kay Munsayac, tatagal ang Libreng Sakay ng anim na taon.

Bibiyahe aniya ang mga bus ng 4:00 hanggang 10:00 ng umaga at 4:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi tuwing Lunes hanggang Sabado.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Munsayac:


May libreng wi-fi ang mga bus.

Umaasa si Duterte na simula lamang ito at madadagdagan pa ang mga ganitong uri ng programa katuwang ang pribadong sektor.

“Let me emphasize that this program is a demonstration of effective government and private sector collaboration,” pahayag ni Duterte.

“Sa muli, napatunayan na naman natin na walang problemang hindi kayang solusyonan, kung tayo ay nagkakaisa at naniniwala na sa tulong ng ating gobyerno at mga kaibigan at supporters sa pribadong sektor, malalampasan natin ang lahat ng hamon na ating kinakaharap,” dagdag ni Duterte.

Read more...