Santiago nasa ICU dahil sa kumplikasyon ng lung cancer

mirriam-defensor-santiago1
Inquirer file photo

Nasa Intensive Care Unit (ICU) ngayon ng Makati Medical Center si Sen. Mirriam Defensor-Santiago.

Sa media advisory na inilabas ng kanyang mga tauhan, kanilang sinabi na noong Lunes ay isinugod sa Makati Medical Center si Santiago sakay ng isang ambulansiya.

Martes ng gabi nang ilipat siya sa ICU mula kanyang private room pero nananatili naman daw na maayos ang kanyang kondisyon.

Sinabi ni dating Interior Undersecretary Jun Santiago na mabuti naman ang kalagayan ng mambabatas at hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagiging palabiro at masayahin.

Sa kasalukuyan ay hindi muna maaaring tumanggap ng mga bisita at regalo tulad ng mga bulaklak si Santiago habang nananatili sa loob ng ICU.

Si Santiago ay isinugod sa pagamutan dahil sa kumplikasyon ng kanyang lung cancer.

Read more...