Inanunsiyo ni Tourism Secretary Christina Frasco ang pakikipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa pagtatakda ng resonableng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Virgin Island sa Panglao, Bohol.
Kasunod ito ng pagbabayad ng higit P26,000 ng isang grupo ng mga turista para sa mga kinain nilang lamang-dagat.
Naging viral sa social media ang paghihimutok ng isang Virginia Uy.
Sinabi ni Frasco na naiintindihan niya ang sitwasyon at mga hamon na kinahaharap ng mga negosyo na may kaugnayan sa turismo para makabawi sa pagkakalugi na idinulot ng pandemya.
Diin lamang ng kalihim, kailangan din intindihin ang mga turista at dapat tiyaking magiging maganda ang kanilang karanasan sa pamamagitan ng de-kalidad, ngunit makatuwirang presyo ng mga produkto at serbisyo.