289 Pinoy umuwi sa Pilipinas dahil sa ‘illegal alien crackdown’ sa Kuwait

By Jan Escosio August 03, 2022 - 12:49 PM

DMW PHOTO

Nakabalik na sa Pilipinas ang 289 Filipinos na hinuli sa Kuwait kasabay ng ‘crackdown’ sa mga illegal migrant worker, Martes ng gabi (Agosto 2).

Sinalubong ng mga tauhan ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga umuwing Filipino, na sakay ng isang chartered Philippine Airlines flight PR 8764.

Nabatid na 245 sa deportees ang mula sa Kuwaiti Deportation Center at kabilang din sa mga umuwi ang tatlong buntis, tatlong maysakit at limang mag-ina.

Bibigyan ang mga ito ng pansamantalang matutuluyan habang naghihintay ng pag-uwi sa kanila-kanilang probinsiya.

Sasailalim din sila sa pyscho-social counselling, stress debriefing at medical referrals.

 

TAGS: DMW, filipino, illegal alien, kuwait, DMW, filipino, illegal alien, kuwait

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.