China sinabing dapat managot ang U.S. government sa Taiwan visit ni Pelosi

Photo credit: U.S. House Speaker Nancy Pelosi/Facebook

Agad ipinatawag ni Chinese Vice Foreign Minister Xie Feng sa United States Ambassador to China Nicholas Burns kaugnay sa pagdalaw ni U.S. House Speaker  Nancy Pelosi sa Taiwan.

Diin ni Xie, lubhang nakakabahala ang ginawa ni Pelosi dahil itinuturing nila itong seryosong paglabag sa one-China policy.

Itinuturing ng China na rehiyon lamang nila ang Taiwan.

Diin pa ng opisyal, may malaking epekto ito sa relasyon ng dalawang bansa dahil ito ay maituturing na paglabag sa soberenya ng China at sa integridad ng kanilang teritoryo.

Bukod pa dito, maari aniyang maapektuhan ang sitwasyion sa Taiwan Strait at maging maling mensahe sa mga puwersa na nagsusulong ng pagiging independent ng Taiwan.

Pagtitiyak pa ni Xie na hindi nila palalagpasin ang pangyayari at aniya dapat ay managot ang gobyerno ng Amerika.

Read more...