Davao Oriental niyanig ng magnitude 5.6 earthquake

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang karagatan sakop ng Manay, Davao Oriental, Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nagbabala na rin ang ahensiya ng maaring aftershocks kasunod ng lindol na naitala bandang 3:25 ng madaling araw.

Naramdaman ang Intensity 1 hanggang Intensity 4 sa mga katabing bayan maging sa Davao de Oro at Sarangani.

Samantala, higit 2,300 aftershocks na ang naitala ng Phivolcs kasunod ng magnitude 7.0 earthquake na naranasan ng Hilagang Luzon, partikular na sa Abra noong nakaraang linggo.

Kaugnay pa nito, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na higit P1.25 bilyon na ang halaga ng pinsalang idinulot ng lindol sa mga imprastraktura sa Abra.

Read more...