‘Trips to Virgin Island’ kinansela ni Bohol Gov. Aris Aumentado

By Jan Escosio August 03, 2022 - 11:38 AM

VIRGINIA UY FACEBOOK PHOTO

Dahil sa taas ng halaga ng mga pagkain, pansamantalang sinuspinde ni Bohol Governor Aris Aumentado ang pagpasyal sa Virgin Island sa bayan ng Panglao.

Kasunod ito ng pagiging viral ng social media post ng isang grupo ng mga turista na sinabing nagbayad ng higit P26,000 para sa kinain na seafoods.

Ginawa ni Aumentado ang hakbang bunga ng labis na pagkadismaya sa insidente.

Isa naman aniya sa positibong nangyari sa insidente ay may dahilan na ang Sangguniang Panglalawigan na bumuo ng mga resolusyon o ordinansa para sa proteksyon ng mga turista laban sa mga mapagsamantalang negosyante sa Panglao at iba pang lugar sa kanilang lalawigan.

Nabatid na maging ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay nagsabi na iimbestigahan na rin nila ang ‘overpricing’ ng mga pagkain.

Nakikipag-ugnayan na rin ang kagawaran sa Protected Area Management Board ng Panglao Island Protected Seascape (PIPS) ukol sa isinagawang imbestigasyon.

Ayon sa DENR, ang Virgin Island ay bahagi ng PIPS, na nabuo sa pamamagitan ng Republic Act 11038 o ang Expanded National Integrated Protected Area Systems Law.

TAGS: Bohol, DENR, Panglao, seafoods, Bohol, DENR, Panglao, seafoods

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.