PBBM Jr., sinalubong ng mas maraming mahirap na pamilyang Filipino

INQUIRER FILE PHOTO

Sa katapusan ng administrasyong-Duterte at pagpasok ng administrasyong-Marcos Jr., dumami ang pamilyang Filipino na nagsabi sila ay mahirap.

Base sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey, 48 porsiyento ng pamilyang Filipino ang nagsabi na pakkiramdam nila ay mahirap sila.

Ang huling survey ay isinagawa noong Hunyo 26 hanggang 29.

May 31 porsiyento naman ang nagsabi na sila ay ‘borderline poor’ at 21 porsiyento ang ikinunsidera na hindi mahirap ang kanilang pamilya.

Lumabas din na nadagdagan ang pamilya sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao na nagsabing sila ay mahirap.

Pinakamataas ang naging pagtaas sa Visayas, mula 48% noong Abril ay naging 64% ito ng Hunyo.

Sa nasabi din survey, 34 porsiyento ang nagsabi na naghihirap sila sa pagkain at 40 porsiyento naman ang sinabing nahihirapan sila sa pagkain.

Read more...