U.S. House Speaker Nancy Pelosi, nagtungo sa Taiwan sa kabila ng banta ng China

By Angellic Jordan August 03, 2022 - 01:36 AM
Screengrab by Taiwan Foreign Ministry/ AFP

Nagtungo si United States House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan sa kabila ng mga banta at babala ng China.

Batay sa ulat, lumipad si Pelosi patungong Taiwan sakay ng isang U.S. military aircraft.

Lumapag ang sinakyan nitong eroplano sa Taipei Songshan Airport, kung saan sinalubong siya ni foreign minister Joseph Wu.

Bago ang kaniyang pagdating sa Taiwan, inanunsiyo ng Chinese state media na tumawid ang 35 advanced Su-35 fighter jets sa Taiwan Strait. Hindi naman naidetalye ang eksaktong oras at lokasyon ng pagdaan nito.

TAGS: China, InquirerNews, nancy pelosi, Pelosi, RadyoInquirerNews, Taiwan, united states, China, InquirerNews, nancy pelosi, Pelosi, RadyoInquirerNews, Taiwan, united states

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]