Higit 13.15-M estudyante, enrolled na para sa S.Y. 2022-2023

Photo credit: Press Secretary Trixie Cruz-Angeles/Facebook

Umabot na sa 13.152 milyong estudyante ang nagpa-enroll para sa pagbubukas ng klase sa Agosto 22.

Ayon kay Education spokesman Atty. Michael Poa, patunay ito na excited na ang mga estudyante na bumalik sa eskwelahan matapos ang dalawang taon dahil sa pandemya sa COVID-19.

“As to the turnout, noong first pa lang po napansin na natin that this was significantly higher because noong first day pa lang ng enrollment, nakapagtala po tayo ng 3.3 million as compared to last year’s first day enrollment na nasa 222,000 lang po. So it does appear from the trend that our learners are excited to go back to in-person classes na po, simply because marami din po sa ating mga learners na in previous years, wala rin po sigurong access sa remote learning like gadgets or internet po,” pahayag ni Poa.

Tiniyak din ni Poa na tuloy ang pagbubukas ng klase sa mga lugar na tinamaan ng magnitude 7 na lindol sa Abra.

Read more...