Panukalang batas na gawing pang-habambuhay ang bisa ng birth, death, at marriage certificates, isa nang ganap na batas

By Angellic Jordan, Jan Escosio August 02, 2022 - 03:21 PM

Screengrab from PSA’s Facebook video

Ganap nang batas ang panukalang batas na layong maging permanente o habambuhay ang bisa ng birth certificate, death certificate, at marriage certificate mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), National Statistics Office (NSO), at maging ang mga dokumentong inilabas ng local civil registries at Philippine foreign service posts.

Si Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. ang may-akda at principal sponsor ng naturang panukala.

Ibinahagi ni Revilla ang kopya ng liham mula sa Palasyo ng Malakanyang upang ipaalam na nag-‘lapse into law’ ang panukala.

Pirmado ni Executive Secretary Vic Rodriguez ang nasabing liham.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11909 o “Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death, and Marriage Act,” hindi na kailangang gumastos at maglaan ng panahon ng taumbayan para kumuha ng bagong certificates.

“Sa kabila ng hirap ng buhay dulot ng pandemya at pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ikinagagalak po natin ang pagpasa ng mga tinindigan nating panukalang gaya nito alang-alang sa kapakanan ng ating mamamayan, lalo na ng mga mag-aaral at manggagawa,” saad ng senador.

TAGS: Birth Certificate, BongRevilla, BreakingNews, death certificate, InquirerNews, Marriage Certificate, RadyoInquirerNews, Republic Act No. 11909, TagalogBreakingNews, Birth Certificate, BongRevilla, BreakingNews, death certificate, InquirerNews, Marriage Certificate, RadyoInquirerNews, Republic Act No. 11909, TagalogBreakingNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.