WATCH: 730 pamilya apektado ng demolisyon sa Old Balara sa Quezon City

Tatamaan kasi ang lugar na kinatitirikan ng kanilang mga bahay ng isasagawang rehabilitasyon sa mga tubo ng tubig na nakabaon sa lugar.
Ayon kay Vicente Elefante ng Property Department ng MWSS, 1935 pa ang malalaking tubo ng tubig sa lugar kaya dapat na talagang mapalitan.
Ang mga apektadong residente ay binigyan ng relokasyon sa Pandi, Bulacan.
Hindi na rin tumutol ang karamihan sa mga residente bagaman may ibang umaalma dahil sa malayo raw na relokasyon.
Binanggit din ng ilang residente na nakabinbin pa sa korte ang isyu ng demolisyon.
<iframe width=”560″ height=”315″ src=”https://www.youtube.com/embed/u-eXCoFP7P4″ frameborder=”0″ allowfullscreen></iframe>
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.