Halaga ng pinsala sa agrikultura bunsod ng Luzon quake, umabot na sa P263-M

By Angellic Jordan August 02, 2022 - 01:44 PM

DA photo

Umabot na sa mahigit P263 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Ilocos Region bunsod ng magnitude 7 na lindol sa Tayum, Abra noong Hulyo 27.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), kabilang sa mga nagtamo ng pinsala ang irrigation systems, farm-to-market roads, at farm structures.

“No crop damage has been reported as of this time,” saad ng kagawaran.

Iniulat ng DA Regional Field Office CAR na 39 irrigation systems at limang farm-to-market roads ang partially damaged at hindi operational dahil sa erosion at cracks.

Base naman sa assessment ng National Irrigation Administration (NIA), dalawang NIS at 24 CIS/projects sa CAR at apat na NIS at 24 CIS sa Region 1 ang napinsala.

Dagdag nito, “no damage was observed in Pantabangan and Magat dam based on initial assessment.”

Sinabi ng DA na hindi naman naabala ang pagdala ng food at agricultural commodities dahil binuksan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga kalsada.

“The trading volume remained within the normal average volume traded for the month. Furthermore, there are no reported irregularities or drastic changes on the prices and volume of agricultural commodities, especially on vegetables,” saad ng kagawaran.

Noong Hulyo 29 hanggang 30, nagdala ang DA CAR RFO ng dalawang KADIWA truck para magbenta ng 4.36 metrikong tonelada ng mga gulay at iba pang pagkain sa murang halaga sa Bucay, Penarrubia, Manabo, Danglas, La Paz, Lagayan, Dolores, Deet, at Tayum.

“The KADIWA store served at least 1,455 households,” saad ng DA.

Nagpadala naman ang BFAR-CAR at DA RFO 1 ng KADIWA trucks na may 2 metrikong tonelada ng fish products at iba pang lowland commodities.

Ayon naman sa National Food Authority (NFA), sapat pa ang suplay ng bigas para sa relief operations sa CAR, Regions 1, 2 at 3.

“NFA ensures that a warehouse is open to cater the needs of the Department of Social Welfare and Development (DSWD), LGUs, institutions and other relief agencies,” pahayag nito.

Siniguro naman ng DA at ng kanilang mga kawani, ahensya at korproasyon na patuloy na makikipag-ugnayan sa NGAs, LGUs at iba pang DRRM-related offices.

TAGS: Abra, aftershocks, DA, EarthquakePH, InquirerNews, lindol, RadyoInquirerNews, Tayum, Abra, aftershocks, DA, EarthquakePH, InquirerNews, lindol, RadyoInquirerNews, Tayum

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.