Naitalang dengue cases sa Pilipinas, higit 82,000 na
Tumaas pa ang bilang ng kaso ng dengue sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa press briefing, sinabi ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na simula Enero 1 hanggang Hulyo 16, umabot na sa 82,597 ang naitatalang dengue cases sa bansa.
Ang nasabing bilang ay mas mataas ng 106 porsyento kumpara sa napaulat na kaso sa kaparehong buwan noong 2021.
Naitala ang pinakamataas na bilang ng dengue cases sa Region 3 (13,449), Region 7 (8,905), at National Capital Region (6,884).
Samantala, nito lamang Hunyo 19 hanggang Hulyo 16, 20,261 ang napaulat na kaso ng dengue sa bansa.
“10 out of 17 regions exceeded the epidemic threshold in the past four weeks (June 19 to July 16, 2022) with Regions 2, MIMAROPA, and CAR showing a sustained increasing trend from June 19 to July 16,” saad ng DOH.
Ayon pa sa kagawaran, mula sa 82,597 dengue cases, 319 ang nasawi kung kaya’t nasa 0.4 porsyento ang case fatality rate ng naturang sakit sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.