Retirement age ng public school teachers, nais ni Sen. Escudero na maging 60

Manila PIO photo

Bilang suporta sa ‘rightsizing plan’ ng gobyerno, nais ni Senator Francis “Chiz” Escudero na maibaba sa 60 mula sa 65 ang compulsory retirement age ng mga kawani ng Department of Education (DepEd).

Kasama sa panukala ni Escudero ang lahat ng mga regular na kawani ng kagawaran at ang higit 800,000 public school teachers.

“If enacted into law, this proposed legislation will benefit hundreds and thousands of retirable DepEd personnel, both teaching and non-teaching, who would want to spend the prime of their lives doing other occupations other than their usual functions in the government,” ayon sa namumuno sa Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education.

“Mas marapat na bigyan natin ang mga kawani ng pamahalaan na magkaroon ng mahaba-habang panahon para sa kanilang pamilya. There is more to life than work,” dagdag pa ni Escudero, na unang inihain ang panukala noong 2016 sa 17th Congress.

Katuwiran pa nito, sa kanyang isinusulong na New DepEd Retirement Age Act, matitiyak ang mataas na kalidad ng edukasyon.

Read more...