Higit 1,000 pang kaso ng Omicron subvariant BA.5, naitala sa Pilipinas

By Angellic Jordan August 02, 2022 - 12:24 PM

Iniulat ng Department of Health (DOH) na may karagdagang 1,015 kaso ng Omicron subvariant BA.5 ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa press briefing, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na naitala ang naturang subvariant sa tatlong returning overseas Filipinos at sa lahat ng rehiyon sa bansa, maliban lamang sa Region 9 at 10.

Sa 1,015 na bagong kaso, 527 na indibiduwal ang fully vaccinated, 12 ang partially vaccinated, 16 ang hindi pa bakuna, habang bineberipika pa ang vaccination status ng 460 iba pa.

Sinabi ng DOH na itinuturing na bilang recovered cases ang 883 indibiduwal, 84 ang nakasailalim pa sa isolation, at bineberipika pa ang estado ng 48 iba pa.

Maliban dito, nakapagtala rin ng 26 pang kaso ng BA.4, kung saan anim ang napaulat sa Metro Manila, apat sa Region 2, tatlo sa Region 6, tig-dalawa sa Regions 3, 5, 11, 12, CALABARZON, at CAR, habang isa sa Region 1.

17 indibiduwal ang fully vaccinated, dalawa ang hindi bakunado, habang pito ang inaalam pa ang vaccination status.

Ayon sa kagawaran, gumaling na sa naturang sakit ang 21 indibiduwal, dalawa ang naka-isolate pa, habang tatlo ang bineberipika pa ang estado.

Samantala, inihayag din ni Vergeire na nagkaroon ng karagdagang 18 kaso ng BA.2.12.1, kung saan 13 na ang naka-recover at apat ang dumadaan pa sa isolation.

Sa nasabing bilang, lima katao mula sa Metro Manila ang tinamaan ng naturang variant, tig-tatlo sa Region 1 at CAR, tig-dalawa sa Region 6, 7 at CALABARZON habang isa naman sa Region 2.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang beripikasyon ng kagawaran sa exposure at travel histories ng mga pasyente.

Base sa huling datos ng DOH hanggang Agosto 1, nasa 34,268 ang aktibo pang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

TAGS: BA.2.12.1, BA.4, BA.5, BreakingNews, COVIDmonitoring, doh, InquirerNews, MariaRosarioVergeire, RadyoInquirerNews, TagalogBreakingNews, BA.2.12.1, BA.4, BA.5, BreakingNews, COVIDmonitoring, doh, InquirerNews, MariaRosarioVergeire, RadyoInquirerNews, TagalogBreakingNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.