Dalawang indibiduwal sa Western Visayas, nagpositibo sa BA.2.75 Omicron subvariant

Photo grab from PCOO Facebook live video

Nakapagtala ang Pilipinas ang unang dalawang kaso ng BA.2.75 Omicron subvariant ng COVID-19.

Sa press briefing, sinabi ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na dalawang indibiduwal sa Western Visayas ang tinamaan ng naturang variant.

Ang isang pasyente ay partially vaccinated habang ang isa naman ay hindi bakunado.

Sinabi naman ni Vergeire na naka-recover na ang dalawang pasyente sa nasabing sakit.

Sa ngayon, bineberipika ng DOH ang exposure ng mga indibiduwal at travel histories.

Unang naitala ang nasabing subvariant sa India noong Mayo.

Read more...