DOH pinagbilinan ni Sen. Nancy Binay na paigtingin ang paghahanda kontra monkeypox

By Jan Escosio August 02, 2022 - 11:54 AM

Hiniritan ni Senator Nancy Binay ang Department of Health (DOH) na paigtingin pa ang ginagawang paghahanda at gagawing pagtugon laban sa banta ng monkeypox sa bansa.

Kasabay na rin ito ng patuloy na pagsusumikap ng gobyerno na maayos ang mga butas sa ginagawang pagtugon sa pandemya na dulot ng COVID-19.

Umaasa aniya siya na sa mga aral na idinulot ng pandemya ay mas handa ang DOH, gayundin ang Department of the Interior and Local Government (DILG), para sa mga maari pang ‘outbreak’ ng sakit.

Nais ng senadora na magtalaga ng special units ang DOH sa mga ospital kasabay nang pagsisimula ng information drive ukol sa monkeypox virus.

“Naririyan na yung framework na ginamit natin (There still exists our framework) during the height of the Covid pandemic. We can fuse the 3T strategy (tracing, testing, treatment) on Covid with DOH’s current 4-door strategy (prevention, detection, isolation, treatment) versus monkeypox,” dagdag pa ni Binay.

TAGS: doh, InquirerNews, monkeypox, MonkeypoxPH, NancyBinay, RadyoInquirerNews, doh, InquirerNews, monkeypox, MonkeypoxPH, NancyBinay, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.