Apat patay sa pagguho ng itinatayong subway sa South Korea
By Dona Dominguez-Cargullo June 01, 2016 - 09:23 AM
Apat ang patay at walo ang nasugatan matapos gumuho ang bahagi ng itinatayong subway malapit sa South Korean capital na Seoul.
Kinumpirma ng Korea Rail Network Authority ang nasabing insidente.
Sa ulat ng Namyangju fire department, hindi pa tukoy kung ano ang dahilan ng pagguho ng itinatayong subway.
Ang subway line extension ay planong tapusin sa taong 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.