VP Duterte: DepEd, handa na sa SY. 2022 – 2023

By Jan Escosio August 01, 2022 - 09:20 PM

DEPED PHILIPPINES PHOTO

Tiniyak ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na handa na ang Department of Education (DepEd) sa pagsisimula ng School Year 2022 – 2023 sa darating na Agosto 22.

Sinabi ito ni Duterte nang pangunahan niya ang pagsisimula ng Brigada Eskwela sa Imus Pilot Elementary School sa Cavite, Lunes ng umaga (Agosto 1).

Pag-amin naman nito na sa kanilang paghahanda ay maaring magdulot ng magkahalong kasabikan at pangamba sa mga guro, magulang at mag-aaral.

Aniya, nananatili ang pandemya dala ng COVID-19, na sinundan pa ng monkeypox at ang nakalipas na malakas na lindol na yumanig sa malaking bahagi ng Luzon.

“What is important is that we have the determination to succeed in our mission,” aniya.

Ngunit aniya, buo ang kanyang tiwala na anumang hamon ang kaharapin ay malalagpasan ito ng DepEd.

Una na rin inanunsiyo ni Duterte na sa darating na Nobyembre ay nais niyang 100 porsiyento na ang in-person classes.

Sa pagsisimula naman ng klase, patuloy ang pagkasa ng blended learning system bagama’t magpapatuloy pa rin ang limitadong face-to-face classes.

TAGS: Brigada Eskwela, deped, Sara Duterte, Brigada Eskwela, deped, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.