‘Ateneo shooter’ nailipat na sa kustodiya ng BJMP

By Jan Escosio August 01, 2022 - 09:17 PM

Hawak na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Dr. Chao Tiao Yumul, ang itinuturong pumatay kay dating Lamitan, Basilan Mayor Rosita Furigay sa loob ng Ateneo de Manila University (ADMU) campus noong Hulyo 24.

Sinabi ni Quezon City Police director Remus Medina na inilipat na si Yumul sa pasilidad ng BJMP sa Payatas matapos itong sumailalim sa medical examination.

Babasahan na rin ng sakdal si Yumul anumang araw ngayong linggo matapos aprubahan ng City Prosecutors Office ang mga patong-patong na reklamong kriminal na inihain laban sa kanya, kabilang ang three counts ng murder.

Magugunitang bukod kay Furigay, napatay din ni Yumul si Victor George Capistrano, ang aide ng dating alkalde at si Ateneo security officer Jeneven Bandiala.

Una na ring sinabi ni Medina na personal ang dahilan kaya’t nagawa ni Yumul ang krimen.

TAGS: Ateneo shooting, BJMP, QCPD, Ateneo shooting, BJMP, QCPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.