Pinaslang na mamamahayag sa Maynila, nakatakda nang i-cremate ngayong araw
Nakatakda nang i-cremate ang mga labi ng kolumnista na binaril at napatay sa lungsod ng Maynila.
Mula sa Dulce Funeral Chapel sa Abad Santos sa Maynila, dadalhin muna ang mga labi ni Alex Balcoba sa simbahan ng Espiritu Santo sa Tayuman.
Magdaraos ng misa ganap na alas 11:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali.
At mamayang ala 1:00 ng hapon ay dadalhin na sa St. Nathaniel crematorium sa Caloocan City ang mga labi ni Balcoba.
Umapela naman ang misis ni Balcoba na si Florabel kay incoming President Rodrigo Duterte na tulungan silang makamit ang hustisya.
Kahapon ay naglabas ng P100,000 pabuya ang Manila Police at Manila Police District Press Corps sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng responsable sa krimen.
Watch: Maybahay ni Alex Balcoba umapela kay @RRD_Davao @dzIQ990 pic.twitter.com/G6oaQHg10D
— Erwin Aguilon (@erwinaguilonINQ) May 31, 2016
Watch: Apila ng asawa ng pinaslang na journalist kay @RRD_Davao @dzIQ990 pic.twitter.com/uVmESnEyX3
— Erwin Aguilon (@erwinaguilonINQ) May 31, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.