Umiiral ang Southwest Monsoon o Habagat sa Kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Robert Badrina, magdudulot ang Habagat ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pagpulan sa Northern Luzon, Bataan, Zambales, Palawan, Mindoro, at Western Visayas.
Samantala, sinabi ni Badrina na walang low pressure area (LPA) o bagyo na binabantayan ang weather bureau sa loob ng teritoryo ng bansa.
Base sa forecast ng PAGASA, maliit pa aniya ang tsansa na magkaroon ng bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong linggo.
Bunsod nito, sinabi ni Badrina na asahan ang mas maaliwalas na panahon sa malaking bahagi ng bansa sa mga susunod na araw.
Ngunit, hindi pa rin nito inaalis ang posibilidad na makaranas ng isolated thunderstorms na tumatagal ng isa hanggang dalawang oras.