Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, ipatutupad sa Agosto 2

By Angellic Jordan August 01, 2022 - 05:57 PM

Radyo Inquirer On-Line photo

Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo sa araw ng Martes, Agosto 1.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Flying V, PetroGazz, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Seaoil, at Shell, may dagdag na P0.75 sa kada litro ng gasolina habang P0.60 naman ang kaltas sa bawat litro ng diesel.

Babawasan naman ng P0.75 ang kada litro ng kerosene ng Caltex, Flying V, Seaoil, at Shell.

Mauuna pa ring ipatupad ang oil price adjustment sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (Agosto 1).

Magiging epektibo naman ang paggalaw ng presyo sa ibang oil companies bandang 6:00, Martes ng umaga, habang 8:01 ng umaga sa Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo rin ng oil price adjustment ang iba pang oil company.

TAGS: BUsiness, DieselPrice, GasolinePrice, InquirerNews, KerosenePrice, oil, RadyoInquirerNews, BUsiness, DieselPrice, GasolinePrice, InquirerNews, KerosenePrice, oil, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.