10-day National Mourning, idineklara sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel V. Ramos
Nagdeklara ng 10 araw na National Mourning si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos ang pagpanaw ni dating Pangulong Fidel Valdez Ramos.
Base sa Proclamation No. 33, s. 2022, magsisimula ang National morning mula sa araw na inanunsyo ng pamilya Ramos ang pagpanaw ng dating Pangulo.
Araw ng Linggo, July 31, 2022 nang pumanaw si Ramos dahil sa kumplikasyon sa COVID-19.
“According to Chapter 1 of Republic Act No. 8491 or the “Flag and Heraldic Code of the Philippines,” the Philippine flag shall be flown at half-mast as a sign of mourning on all buildings and places it is displayed,” pahayag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.