Higit 11.6 milyong mag-aaral, enrolled na para sa S.Y. 2023-2023

By Angellic Jordan August 01, 2022 - 03:13 PM

Umabot sa mahigit 11 milyon ang bilang ng mga estudyante na nag-enroll sa unang araw ng School Year 2022-2023.

Sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd) hanggang 7:00, Lunes ng umaga (Agosto 1), nasa 11,663,325 na ang total enrollment sa Kindergarten hanggang Grade 12 simula noong Hulyo 25.

Sa nasabing bilang, 773,700 enrollees ang naitala sa Kindergarten; 5,440,980 sa Elementary; 3,722,367 sa Junior High School; habang 1,726,278 naman sa Senior High School.

Sa ngayon, Region IV-A pa rin ang may pinakamaraming naitalang enrollees na may 1,819,467, na sinusundan ng National Capital Region (1,531,374), at Region III (1,178,813).

Paalala ng DepEd, may tatlong paraan sa pagpapatalla: in-person, remote, at dropbox enrollment.

Para naman sa Alternative Learning System (ALS) learners, maaari na ring magpatala nang in-person o digital.

Magpapatuloy ang enrollment hanggang sa Agosto 22, 2022.

TAGS: 2022enrollment, deped, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SaraDuterte, SY2022-2023, 2022enrollment, deped, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SaraDuterte, SY2022-2023

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.