Pilipinas, nakapagtala ng 24,100 na bagong COVID-19 cases sa nakaraang linggo

By Angellic Jordan August 01, 2022 - 04:41 PM

Nakapagtala ng 24,100 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.

Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang Agosto 1, 2022, base ito sa naitalang datos simula Hulyo 25 hanggang 31, 2022.

Mas mataas ito ng 24 porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Hulyo 18 hanggang 24.

Nasa 3,443 naman ang daily average cases.

Samantala, may 76 na bagong severe and critical cases habang 44 naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Lumabas din sa datos na nasa 29.5 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 6,505 sa 22,051 non-ICU beds ang gamit.

23.3 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 601 sa 2,583 ICU beds ang gamit.

Nasa 744 naman ang severe and critical admissions, o 9.2 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.

TAGS: BreakingNews, COVID-19cases, COVID-19deaths, COVID-19Inquirer, COVID-19pandemic, COVID-19recoveries, DOH COVID-19 monitoring, InquirerNews, latest news on COVID-19, RadyoInquirerNews, BreakingNews, COVID-19cases, COVID-19deaths, COVID-19Inquirer, COVID-19pandemic, COVID-19recoveries, DOH COVID-19 monitoring, InquirerNews, latest news on COVID-19, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.