Walang intensyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na umanib muli ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).
Sa ‘PinasLakas’ booster rollout sa Pasig City, sinabi ng Pangulo na patuloy naman kasi ang ginagawang imbestigasyon ng pamahalaan ng Pilipinas sa anti-drug war campaign na inilunsad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Taong 2018 nang ipag-utos ni Duterte na dapat kumalas na ang Pilipinas sa ICC. Marso 2019 nang maging epektibo ang pag-alis ng Pilipinas sa ICC sa pagsasabing walang hurisdiksyon ang international Court na makialam sa usapin dahil gumagana naman ang sistema ng hudikatura sa bansa. Iginiit din nito na hindi rin nalathala sa Official Gazette ang pagiging miyembro ng ICC kung kaya kung tutuusin ay hindi naging legal ang pag-anib ng bansa.
Kamakailan lamang ay nakipagpulong si Marcos kina Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, Solicitor General Menardo Guevarra at dating Presidential spokesman Harry Roque.
“The Philippines has no intention of rejoining the ICC. The meeting that we had with the SolGen, the Secretary of the DOJ, kasama na rin diyan si Senator Enrile who has become my legal adviser, also si Atty Harry Roque because he’s involved and recognized by the ICC,” pahayag ng Pangulo.
“Ang mineeting namin ay dahil sinasabi ngayon na itutuloy ang imbestigasyon. Eh sinasabi naman namin eh may imbestigasyon naman dito at patuloy rin naman ang imbestigasyon, bakit magkakroon ng ganon. Anyway para alam natin ang agagwin natin, if we will respond, if we will not respond, kung sakali na sasagot tayo ano ang magiging sagot natin, or possible din hindi natin papansin dahil hindi naman tayo sumasailalim sa kanila,” pahayag ng Pangulo.
Utos ng Pangulo sa legal experts, pag-aralan muna ang proseso.
“Pero the ICC is a very different kind of a court kayat pinagaralan muna. Sinabi ko sa kanila na pag-aralan nyo muna ang procedure para tama yung gagawin natin, kasi hindi natin syempre kailangan baka mamisinterpret yung ating mga ginagawa, kayat liwanagin natin kung ano ba talaga ang dapat gawin, sino susulat, kanino, ano ilalagay sa sulat, etc etc, ” pahayag ng Pangulo.
Narito ang pahayag ni Marcos:
BREAKING: Pangulong Ferdinand @bongbongmarcos Jr.: “The Philippines has no intention of rejoining the ICC.” | @chonayu1
🎥: Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/sk7wJWkDha
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) August 1, 2022