Sen. Grace Poe nalungkot sa pag-veto ni PBBM Jr. sa pagbuo ng PTSB

By Jan Escosio August 01, 2022 - 02:28 PM

Sinabi ni Senator Grace Poe na kung susuriin ang mga probisyon ng isinulong niyang pagbuo ng Philippine Transportation Safety Board (PTSB), walang mandato o trabaho ang kagaya sa ibang ahensiya.

Aniya, ang pagbuo ng PTSB ay alinsunod sa global standard sa pag-iimbestiga sa mga aksidente na kinasasangkutan ng lahat ng uri ng sasakyan.

Diin ni Poe, ang PTSB ay magbibigay ng mga rekomendasyon upang hindi na maulit ang aksidente.

Nakakalungkot aniya ang pag-veto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa panukala dahil mula 2016 hanggang 2020, higit 12,487 ang namatay sa mga aksidente sa lansangan kada taon.

Sa nabanggit na panahon, nakapagtala naman ng 483 aksidente sa karagatan.

Pagtitiyak ni Poe, patuloy siyang magsusulong ng panukala para sa kapakanan ng mga mananakay.

TAGS: GracePoe, InquirerNews, Philippine Transportation Safety Board, PTSB, RadyoInquirerNews, GracePoe, InquirerNews, Philippine Transportation Safety Board, PTSB, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.