Sen, Bong Go, nais mausisa sa Senado ang unang kaso ng monkeypox sa bansa

By Jan Escosio August 01, 2022 - 02:00 PM

Reuters photo

Magpapatawag ng pagdinig sa Senado si Senator Christopher “Bong” Go matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng monkeypox sa bansa.

Ayon sa namumuno sa Senate Committee on Health, nais niyang mabusisi ang mga nagawang paghahanda ng DOH ukol sa nakakamatay na sakit.

Kasabay nito ang kanyang panawagang paigtingin pa ang ginagawang information campaign ukol sa nabanggit na sakit, disease surveillance at mga hakbang upang hindi na ito kumalat.

Umapela rin siya sa publiko na istriktong sumunod sa protocols para maiwasan ang pagkalat pa ng sakit.

Pagdidiin ni Go, napakahalaga ng kooperasyon para sa kaligtasan ng lahat at napatunayan na ito sa nagpapatuloy na pandemya dulot naman ng COVID-19.

TAGS: BongGo, InquirerNews, monkeypox, RadyoInquirerNews, BongGo, InquirerNews, monkeypox, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.