Senior Citizen Party-List, nagpasaklolo kay DSWD Sec. Tulfo at NBI ukol sa ‘ayuda scam’

By Jan Escosio August 01, 2022 - 01:57 PM

QC LGU photo

Humingi ng tulong si Senior Citizens Party-List Representative Rodolfo Ordanes kay Social Welfare Secretary Erwin Tulfo at sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa pag-alok ng social pension at ayuda.

Nais ni Ordanes na maalisan ng maskara ang indibiduwal o grupo na naniningil ng halaga kapalit ng pensyon o ayuda.

“Malinaw na scam ‘yan sapagkay libre ang lahat ng ayudang ipinamamahagi ng ating gobyerno,” diin ng mambabatas.

Ayon kay Ordanes, may natanggap siyang impormasyon ukol sa paniningil ng P1,000 bilang membership fee na susundan pa ng P500 kada buwan.

Hiniling din nito sa Securities and Exchange Commission (SEC) na imbestigahan din ang impormasyon dahil sa posibleng paglabag sa SEC Law, maging sa Republic Act 11765 o ang Financial Products and Services Consumer Protection Act.

Pinag-iingat din ni Ordanes ang senior citizens na maging mapanuri sa mga alok na tulong sa kanila na may kapalit na halaga.

TAGS: InquirerNews, RadyoInquirerNews, Rodolfo Ordanes, Senior Citizen Party list, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Rodolfo Ordanes, Senior Citizen Party list

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.