Dalawang gintong medalya, nasungkit ng Pilipinas sa ASEAN Para Games 2022

By Angellic Jordan August 01, 2022 - 11:18 AM
Photo credit: Philippine Sports Commission/Twitter

May dalawang gintong medalya na nasungkit ang Pilipinas sa ASEAN Para Games 2022 sa Solo, Indonesia.

Ayon sa Philippine Sports Commission, nanguna ang Filipino Swimming Paralympian na si Ernie Gawilan sa Men’s 400 meters Freestyle S7 TF event.

Ito ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa ASEAN Para Games 2022.

Nagwagi rin ng gintong medalya si Roland Sabido para naman sa Men’s 400m Freestyle S9 class.

Maliban dito, may isa pang bronze medal na maiuuwi ang Pilipinas matapos masungkit ni Edwin Villanueva sa Para Swimming – 400 meters Freestyle event.

Idaraos ang ika-11 ASEAN Para Games simula Hulyo 30 hanggang Agosto 6, 2022.

TAGS: APGSolo2022, ASEAN Para Games 2022, InquirerNews, RadyoInquirerNews, APGSolo2022, ASEAN Para Games 2022, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]