Patay sa aksidente sa Nasugbu, Batangas lumubo sa walo

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa pag-araro ng isang dump truck sa isang sports utility vehicle (SUV) at isang motorsiklo sa Nasugbu, Batangas araw ng Linggo, Hulyo 31.

Base ito sa update mula sa Batangas Provincial Police Office, Lunes ng umaga (Agosto 1).

Hindi na nagbigay ng mga pangalan ng mga nasawi ang pulisya.

Sa mga naglabasang ulat, nangyari ang trahedya sa bahagi ng Tagaytay-Nasugbu Highway sa Barangay Aga.

Nawalan diumano ng preno ang dump truck at unang binangga nito ang isang tindahan ng prutas bago sinalpok ang motorsiklo.

Sinubukan pa ng truck driver na iwasan ang iba pang istraktura ngunit binangga nito ang SUV bago bumagsak ang karga nitong tone-toneladang buhangin.

Kabilang sa mga agad nasawi ang driver ng dump truck at mga sakay ng SUV.

Read more...