Bilang ng aftershocks matapos ang magnitude 7 quake, umabot na sa higit 2,000

By Angellic Jordan August 01, 2022 - 10:48 AM

Mayroon pa ring naitatalang aftershocks sa iba’t ibang lalawigan sa bansa kasunod ng magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon.

Sa update ng Phivolcs bandang 9:30, Lunes ng hapon (Agosto 1), umabot na sa 2,010 ang bilang ng aftershocks hanggang 7:00 ng umaga.

Umabot ang pinakamataas na intensity sa intensity 7 sa Tayum, Bangued, Bucay, Bucloc, Danglas, Dolores, La Paz, Lagangilang, Licuan-Baay, Luba, Malibcong, Manabo, Peñrrubia, Pilar, Sallapadan, at San Juan, Abra.

Paalala ng Phivolcs, manatiling alerto dahil posibleng makaranas ng aftershocks sa mga susunod na araw o linggo.

Matatandaang yumanig ang magnitude 7 na lindol sa Tayum, Abra dakong 8:43, Miyerkules ng umaga (Hulyo 27).

Dahil sa lakas nito, naramdaman ang pagyanig sa mga karatig-lalawigan, kabilang ang Metro Manila.

TAGS: Abra, aftershocks, EarthquakeAlert, EarthquakeInformation, EarthquakePH, InquirerNews, lindol, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, RadyoInquirerNews, Tayum, Abra, aftershocks, EarthquakeAlert, EarthquakeInformation, EarthquakePH, InquirerNews, lindol, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, RadyoInquirerNews, Tayum

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.