COVID-19 positivity rate sa Visayas, Mindanao tumataas din – OCTA

Photo credit: Dr. Guido David/Twitter

Iniulat ng OCTA Research na maliban sa National Capital Region (NCR) at ilang lalawigan sa Luzon, tumataas din ang COVID-19 positivity rate sa Visayas at Mindanao.

“Positivity rates are rising indicating increasing transmission of the virus,” saad ni OCTA Research fellow Dr. Guido David sa kaniyang tweet.

Base sa datos ng independent monitoring group hanggang Hulyo 30, mahigit 20 porsyento ang positivity rate ng nakahahawang sakit sa Aklan (36.9 porsyento), Antique (28.7 porsyento), Bohol (28.2 porsyento), Capiz (51.2 porsyento), at Negros Oriental (27.6 porsyento).

Narito naman ang COVID-19 positivity rate sa iba pang lugar:
– Cebu (12.4 porsyento)
– Davao del Sur (9.1 porsyento)
– Iloilo (15.1 porsyento)
– Leyte (10.7 porsyento)
– Misamis Oriental (17.2 porsyento)
– Negros Occidental (8.9 porsyento)
– South Cotabato (15.2 porsyento)
– Zamboanga del Sur (12.7 porsyento)

Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) sa araw ng Linggo, Hulyo 31, nasa 4,159 ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa ngayon, nasa 33,622 ang aktibo pang kaso ng nakahahawang sakit sa Pilipinas.

Read more...