Nagpadala ng dagdag na tulong ang Department of Social Welfare and Development sa mga biktima ng lindol saa Northern Luzon.
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, aabot sa P4.7 milyong halaga ng food at non-food items ang ipinamahagi sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Region II.
Samantala,karagdagang 4,700 family food packs (FFPs) na sakay ng 10-wheeler wing vans ang nagbibiyahe na ngayon patungo sa Bangued, Abra.
Nagpadala na rin ang DSWD ng 1,000 family tents mula Batangas Sports Complex patungo sa Abra.
Naghahanda na rin ngayon ang DSWD sa banta ng Tropical Depression (TD) Ester.
As of July 30, nasa P1.3 bilyong stockpiles at standby funds ang inihanda ng DSWD.
MOST READ
LATEST STORIES