Jose Acuzar nanumpa na bilang housing chief ni Pangulong Marcos

Nanumpa na sa harap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si property developer Jose Acuzar.

Ito ay matapos italaga ng Pangulo si Acuzar bilang kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Ginawa ang oath-taking kahapon sa Study Room sa Palasyo ng Malakanyang.

Si Acuzar ay brother-in-law ni dating executive secretary Paquito Ochoa Jr. na una nang nanilbihan kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Si Acuzar ay nagtapos sa kursong architecture sa Technological Institute of the Philippines.

 

Read more...