Muling ididiga ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang panukalang batas na magtatatag ng Department of Disaster Resilience at Mandatory Evacuation Center Bill.
Ginawa ni Go ang pahayag matapos tumama ang magnitude 7.0 na lindol saa Abra.
“Ako naman bilang inyong senador, sa pagbukas po ng Kongreso, I filed Senate Bill 188, ito po ang Department of Disaster Resilience. Matagal ko na po itong nai-file sa 18th Congress, hanggang ngayon sa 19th Congress nag-file po ako,” pahayag ni Go.
“Ito pong bill na ito kung sakaling pumasa ay magkakaroon ho tayo ng isang cabinet secretary level na departamento. Cabinet secretary level na iyon po ang tututok,” dagdag ng Senador.
Layunin ng Senate Bill No. 188 o ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience na gawing madali ang pagresponde ng pamahalaan sa mga kalamidad.
Samantala, sa ilalim naman ng Senate Bill 193 o Mandatory Evacuation Center Bill, oobligahin ang bawan probinsya, munisipyo, o siyudad na magtayo ng mga evacuation center na mayroong mga emergency packs, medicines at iba pang basic necessities.
“Tuwing mayroong disaster, inililikas sila sa evacuation center. Kadalasan po ang mga evacuation center na paglilikasan sa kanila ay eskwelahan o gym. Pabalik na tayo sa face-to-face classes, so maapektuhan na naman po ang pagbabalik sa face-to-face classes kung gagamitin ‘yung gym, eh, priority po iyon,” pahayag ni Go.
“So dapat po ang Pilipino ay bigyan natin ng isang maayos, disente, malinis na evacuation center sa mga probinsya, sa mga munisipalidad at sa mga syudad tuwing may sunog, baha, paglindol, o pagputok ng bulkan,” dagdag ng Senador.