US Secretary of State Blinken makikipagpulong kay Pangulong Marcos

Photo credit: Pres. Bongbong Marcos/Facebook

Makikipagpulong sa susunod na linggo si US Secretary of State Antony Blinken kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa pahayag ng US Embassy sa Manila, sinabi nito na nais paigtingin ng Amerika ang ugnayan sa Pilipinas.

Bukod kay Pangulong Marcos, makikipagpulong rin si Blinken kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.

Sinabi pa ng US Embassy na kabilang sa mga pag-uusapan ang bilateral efforts ng dalawang bansa ukol sa energy, trade, investment, democratic values at pandemic recovery.

Matatandaan na kamakailan lamang, nakipagpulong si Pangulong Marcos kay Chinese Foreign Minister Wang Yi.

Pagkatapos sa Pilipinas, magtutungo naman si Blinken sa South Africa, Democratic Republic of the Congo, at Rwanda.

 

Read more...