Walo patay sa sumiklab na sunog sa isang gusali sa Moscow

By Angellic Jordan July 29, 2022 - 09:38 PM

Nasawi ang walo katao makaraang sumiklab ang sunog sa isang 15-storey building sa Moscow, Russia.

Ayon sa mga awtoridad, nagloko ang fire alarm ng naturang gusali sa bahagi ng southeastern district.

Bunsod nito, ilang indibiduwal ang na-trap sa gusali dahil lahat ng bintana ay mayroong metal bars.

Maliban sa walong nasawi, may apat pang indibiduwal na naospital.

Base sa ulat, nagsimula ang sunog sa ground floor ng gusali.

TAGS: fire, InquirerNews, Moscow, RadyoInquirerNews, Russia, sunog, fire, InquirerNews, Moscow, RadyoInquirerNews, Russia, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]