Nakapagtala ang Pilipinas ng mahigit 4,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa magdamag.
Sa tala ng Department of Health (DOH) hanggang Biyernes, Hulyo 29, nasa 4,127 ang bagong napaulat na COVID-19 cases sa bansa.
Ito ang pinakamataas na daily tally ng COVID-19 cases sa nakalipas na limang buwan.
Umakyat na sa 3,768,474 ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng nakahahawang sakit sa Pilipinas.
Sa nasabing bilang, 32,637 o 0.9 porsyento nito ang nagpapagaling pa sa sakit.
Nasa 3,675,119 o 97.5 porsyento naman ang naka-recover sa COVID-19, habang 60,718 o 1.6 porsyento ang COVID-19 related deaths.
MOST READ
LATEST STORIES