78 tauhan ng mga towing companies, bagsak sa drug test

By Kathleen Betina Aenlle June 01, 2016 - 04:26 AM

 

Inquirer file photo

Bilang pagtugon sa mga sumbong ng netizens kaugnay sa mga mapang-abusong towing companies, agad itong sinilip ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa isinagawang drug test ng MMDA sa mga tuhan ng mga towing companies na kaagapay nila sa towing at impounding, 78 sa mga ito ang nagpositibo sa iligal droga partikular na sa shabu.

Dahil dito, sinibak na ng kani-kanilang mga kumpanya ang mga nasabing tauhan.

Ayon naman kay MDMA towing and impounging cheif Victor Nuñez, magiging paraan na nila ito upang matiyak ang disiplina sa mga towing companies, kasabay ng pagpapa-seminar, mga drug testing, at emission test.

Isinagawa ang test sa mga tauhan noong Mayo ng nakaraang taon hanggang Enero ng taong ito.

Nasa 10 towing companies na rin aniya ang nasuspinde, habang ang isa ay tuluyang tinanggalan ng lisensya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.