LOOK: Maine Mendoza, engaged na sa boyfriend na si Arjo Atayde

By Angellic Jordan July 29, 2022 - 07:38 PM
Photo credit: @mainedcm/Instagram

Engaged na ang phenomenal star at TV host na si Maine Mendoza sa aktor at ngayo’y Quezon City First District Congressman na si Arjo Atayde.

Inanunsiyo ito ng aktres sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post.

“Wait, whaaaat??? We’re engaged?! 🤯,” saad ni Maine.

Base naman sa IG post ni Atayde, isinagawa ang wedding proposal noong Huwebes, Hulyo 28.

“My turn, I will marry you cutie. ❤️ 07.28.22,” pahayag nito.

Photo credit: @arjoatayde/Instagram

Ito rin ang petsa nang mag-post si Maine sa kaniyang Twitter noong Hulyo 28, 2013 ng “Arjo cutie 😭”

Ibinahagi naman ng kapatid ni Arjo na si Ria ang kaniyang kasiyahan sa engagement.

Photo credit: Ria Atayde/Instagram
Photo credit: Ria Atayde/Instagram

Narito naman ang IG stories ng kapatid ni Maine na si Coleen Mendoza-Cruz:

Photo credit: @nicoleendyann/Instagram
Photo credit: @nicoleendyann/Instagram

Makikita rin sa IG story ni Coleen na naiyak ang ama ni Maine sa proposal.

Enero 2019 nang kumpirmahin ni Atayde ang kanilang relasyon ni Mendoza.

Congratulations, Arjo at Maine!

TAGS: Arjo Atayde, InquirerNews, Maine engagement, Maine Mendoza, Maine proposal, RadyoInquirerNews, Arjo Atayde, InquirerNews, Maine engagement, Maine Mendoza, Maine proposal, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]