P1.3 milyong halaga ng kush, liquid marijuana naharang sa Kidapawan City

By Angellic Jordan July 29, 2022 - 04:43 PM

BOC photo

Nagkasa ang Bureau of Customs (BOC), sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz, kasama ang Customs – NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ng controlled delivery operation noong Hulyo 27.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto sa claimant na may koneksyon sa nasamsam na Kush at Liquid Marijuana.

Isinagawa ang operasyon ng mga miyembro ng Port’s Customs Anti-illegal Drug Task Force (CAIDTF) at PDEA sa bahagi ng Kidapawan City kung saan naaresto ang hinihinalang consignee na si Jude Paolo Javier.

Unang idineklara na naglalaman ang kargamento ng “cooking set” mula sa Folsom sa Estados Unidos.

Ipinadala umano ito ng isang “Janice Nguyen.”

Lumabas sa eksaminasyon ng mga awtoridad na naglalaman ang kargamento ng 927 gramo ng Kush o high-grade marijuana at 22 pirasong vape cartridge na may liquid marijuana.

Tinatayang nagkakahalaga ang mga ilegal na droga ng P1,297,800.

Magsasagawa pa ang mga awtoridad ng mas malalim na imbestigasyon laban sa claimant dahil sa posibleng paglabag sa Section 1114 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Republic Act 9165 o Anti-illegal Drugs Act.

TAGS: BOC, InquirerNews, Kush, LiquidMarijuana, PDEA, RadyoInquirerNews, BOC, InquirerNews, Kush, LiquidMarijuana, PDEA, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.